-- Advertisements --
image 259

Hinimok ng Commission on Higher Education (CHED) ang mas maraming Higher Education Institutions (HEIs) sa Pilipinas na magturo ng mga wika ng iba’t ibang bansa sa ilalim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)

Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, may mga gumagawa na ng ganitong pamantayan at umaasa siya na madadagdagan pa ito.

Sinabi ni De Vera na noong 2015, nagpahayag ang Pilipinas ng pangako sa ASEAN Integration.

Binigyang-diin ng opisyal na ang pangako ng CHED sa ASEAN Integration ay naglalayong bumuo ng diwa kung saan makikilala ng mga Pilipino ang kanilang sarili bilang bahagi nito.

Sa kabila nito, sinabi ni De Vera na maaari pa ring tuparin ng Pilipinas ang pangako nito sa ASEAN Integration sa pamamagitan ng paggamit ng mga wika ng mga karatig bansa sa mga paaralan, kolehiyo, at unibersidad sa Pilipinas.

Bukod sa pagtuturo ng mga wikang nasa ilalim nito sa mga paaralan, iminungkahi ni De Vera na ang Higher education institution sa Pilipinas ay magdaos ng mas maraming regional event sa iba’t ibang larangan.

Para kay De Vera, ang pagtutuon ng pansin sa mga wika sa rehiyon at mga kasanayan ay magpapalaki sa free flow of ideas, pagpapalitan ng kultura, at kasanayan sa mga mag-aaral.