ILOILO CITY – Tiniyak ng chairman ng executive committee ng The 3rd National Bombo Music Festival (bmf) na mas pagagandahin pa ang Bombo Music Festival, an original songwriting competition sa susunod na taon.

Ayon kay Mr. Enrico Jacomille, board of director ng Bombo Radyo Philippines, sinabi nito na malaking karangalan kung siya ulit ang mapipili bilang chairman ng Bombo Music Festival 2021.

Aniya, maging si Maestro Ryan Cayabyab, na kilalang Nationak artist for Music at Ramon Magsaysay awardee ay nagpahayag ng interes na maging hurado ulit sa susunod na Bombo Music Festival.

Sa susunod na taon anya madaming “innovations” ang gagawin.

Pinag-iisipan rin ayon kay Jacomille na dagdagan ang 12 finalist para sa grand performance night sa susunod na Bombo Music Festival.

-- Advertisement --

Para naman sa aspiring composer/singer na nais sumali sa BMF, may gagawing song writing workshop ang network.