-- Advertisements --

Lusot na sa House committee on constitutional amendments ang resolusyon na magtatanggal sa restrictions sa mga foreign investments at nagpapalawig sa termino ng mga kongresista.

Kinumpirma nitong araw ni committee chairman at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pag-apruba nila kahapon sa unnumbered resolution of both houses na ito.

Ayon kay Rodriguez, sa susunod na linggo ay nasa plenaryo na ng Mababang Kapulungan ang naturang resolusyon.

Nakasaad sa ilalim ngito na papalawigin ang termino ng mga kongresista, gawing tatlo kada siyam na rehiyon sa bansa ang bilang ng mga senador, nagtatakda na dapat tandem ang election ng presidente at bise presidente, at nag-aalis ng restrictions ng foreign ownership ng mga public utilities, mass media, exploration ng natural resources, advertising, education, at iba pa.