-- Advertisements --
CAAP

Hindi pa rin na natatagpuan ang Cessna plane na nawawala matapos mag-take off sa Cauayan Domestic Airport sa probinsiya ng Isabela ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Iniulat ng CAAP nitong biyernes na patuloy ang maigting na koordinasyon kaugnay sa search and rescue (SAR) operations simula ng mawala ang eoplano noong nakalipas na Enero 24.

Sa ngayon hindi pa natutukoy ng search teams ang posibleng crash site ng naturang aircraft.

Naglunsad na rin ng martitime search gamit ang maliliit na vessels at frogmen ng Philippine Coast Guard sa may Divilacan Bay kung saan napaulat noong Enero 29 na mayroong natagpuan na posibleng “white object” mula sa eroplano malapit sa Barangay Sapinit, Divilacan Isabela.

Nangako naman ang mga opisyal na kanilang gagawin ang lahat ng posibleng search and rescue efforts para matunton na ang lokasyon ng nawawalang aircraft.

Magugunita na noong Enero 24, idineklarang missing ang 6-seater Cessna 206 plane isang oras matapos na mag-take off mula sa nasabing paliparan na nakatakdang sanang mag-landing sa coastal town ng Maconacon.

Inihayag naman ng CAAP matapos na hindi matagpuan ang naturang eroplano na ansa “distressed phase” ang nawawalang aircraft, ibig sabihin, ang mga pasahero at eroplano ay lubhang nasa panganib.