cleaning ashfall taal

Hangga’t sa walang certification mula sa Bureau of Treasury (BT) at endorsement mula sa Department of Budget and Management, hindi maaring umusad ang deliberasyon ng Hous Committee on Appropriations sa proposed P30-billion supplemental budget para sa Taal relief.

Ito ay kahit pa naihain na ng mga kongresista mula Batangas ang panukalang batas para sa alokasyon ng naturang halaga, kasunod nang naging request ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ni House Appropriations Committee chairman Isidro Ungab na mayroong procedural requirements na kailangan ikonsidera.

Gayunman, mulign binigyan diin nito ang commitment ng Kamara sa pagpapaabot ng tulong sa mga biktima nang pagputok ng bulkang Taal.

Kahapon, sinabi ni Speaker Alan Peter Cayetano na nakikipag-ugnayan na silang mga lider ng Kamara kay Budget Sec. Wendel Avisado para ihanda ang mga kakailangan sa supplemental budget.