-- Advertisements --

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi matutuloy ang ceremonial signing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Appropriations Act of 2019 na una nang itinakda sa Lunes, April 15.

Sinabi ni Sec. Panelo, wala siyang ideya sa pagtanggal sa kalendaryo ng aktibidad ni Pangulong Duterte ang ceremonial signing ng national budget.

Ayon kay Sec. Panelo, dahil inalis na ito sa schedule ni Pangulong Duterte, posibleng pagkatapos na ng Mahal na Araw ito mapirmahan.

Sa ngayon pinag-aaralan pa ni Pangulong Duterte sa 2019 national budget.

Dahil sa mga pagbabago sa schedule, mananatili pa ring reenacted budget ang gagamitin ng pamahalaan hanggang sa pinal nang malagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong pambansang budget.