-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mahigpit na seguridad ang ipapatupad ng mga personahe ng National Bureau of Investigation (NBI) kasabay ng nakatakdang pag-presesnta ngayong araw sa sinasabing nasa likod ng investment scam at dating chief executive officer (CEO) ng Rigen Marketing.

Napag-alaman na isasagawa ang pagdinig sa kaso ni Rico Garcia sa Regional Trial Court sa Tagum City, Davao del Norte.

Nabatid na nakatanggap na ito ng maraming banta sa buhay dahil sa milyong pera na kanilang nakuha mula sa mga investor.

Kung maaalala, matagal na nagtago si Garcia bago ito nahuli noong buwan ng Marso sa Paranaque City ngunit hindi agad ito nalipat sa Tagum City dahil sa coronavirus pandemic.

Isa ang Rigen Marketing sa maraming investment scam sa Tagum City na nangangako sa kanilang investors ng 400% na balik sa kanilang investments.

Una nang sinabi ni Ely Leano, tagapagsalita ng NBI-11 na bibigyan nila ng seguridad si Garcia para masiguro ang kaligtasan nito at dahil na rin sa banta ng kanyang buhay.