-- Advertisements --

Pansamantalang isasara ang central office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City para sa complex-wide disinfection at contact tracing sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang advisory, sinabi ng DepEd na ang pansamantalang pagsara ng kanilang central office ay magtatapos sa Miyerkules sa susunod na linggo o sa Marso 24.

Bagama’t naka work-from-home ang kanilang mga empleyado, sinabi ng DepEd central office na tuloy pa rin ang kanilang operation.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ng kagawaran ang kanilang mga empleyado na manatili lamang sa loob ng kanilang bahay sa mga panahon na sarado ang kanilang central office para na rin sa kaligtasan ng mga ito.