-- Advertisements --
SAN ANTONIO – Kumamada ng 30 points si Jaylen Brown at tinambakan ng Boston Celtics ang San Antonio Spurs, 135-115.
Nagdagdag ng 26 points si Kemba Walker para sa Boston (7-1) na may pitong magkakasunod nang panalo.
Gayunman, hindi naging masaya ang pagkakapanalo ng koponan matapos na magtamo ng injury muli si Gordon Hayward.
Nabalian ng kamay ang forward ng Boston matapos na makabanggaan si LaMarcus Aldridge ng San Antonio sa huling isang minuto ng first half.
Kaagad na sumailalim sa X-ray si haywayd at pinayuhan na huwag nang bumalik sa laro.
Sinabi ng Celtics na hindi makakapaglaro si Hayward sa loob ng isang buwan at maaring sumailalim din sa surgery.