-- Advertisements --

Tinambakan ng Boston Celtics ang Miami Heat 104-84 para makuha ang 2-1 na kalamangan sa kanilang NBA Eastern Conference first-round playoff.

Kapwa nagtala ng tig-22 points sina Jayson Tatum at Jaylen Brown para pahiyain ang Heat sa sarili nilang court.

Sinabi ni Celtics coach Joe Mazzulla na marami silang ginawang adjustments matapos maitabla ng Heat sa 1-1 noong Game 2.

Dagdag pa nito na mas pinaigting nila ang kanilang depensa para hindi na malusutan pa sila ng Miami.