Sinamantala ng Boston Celtics ang pagkakaroon ng injury ni Stephen Curry para talunin ang Golden State Warriors 110-88.
Lumabas sa playing court si Curry ng magtamo ito ng foot injury sa loob ng ikalawang quarter.
Kapwa nagtala ng tig-26 points sina Jayson Tatum at Jaylen Brown habang mayroong 20 points para sa Celtics si Marcus Smart.
Sa simula pa lamang ng laro ay hawak na ng Celitcs ang kalamangan.
Tinambakan ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers 124-104.
Nanguna sa panalo si Karl-Anthony Towns na nagtala ng 30 points habang mayroong 27 points si Anthony Edwards.
Nag-ambag naman ng 18 points si Patric Beverley, 13 points kay Taurean Prince at 10 points si Jaylen Nowell.
Nasayang naman ang nagawang 19 points ni LeBron James habang mayroong 16 points si Carmelo Anthony at 15 points si Russel Westbrook.
Hawak ng Lakers ang kalamangan sa third quarter hanggang maitala ng Wolves ang 25-9 run.










