-- Advertisements --
Pasok na sa Eastern Conference Finals ang Boston Celtics matapos tambakan ang defending champion na Milwaukee Bucks 109-81.
Mula sa simula ng laro ay hindi pinaporma ng Celtics ang Bucks at nakuha ang panalo sa kanilang Game 7.
Nanguna sa panalo ng Celtics si Jayson Tatum na nagtala ng 23 points habang mayroong 19 points si Jaylen Brown.
Naging epektibo ang depensa ng Bostons kung saan hindi nakaporma ang Bucks kung saan nabantayan nila si two-time MVP Giannis Antetokounmpo na mayroon lamang 25 points.
Dahil dito ay makakaharap nila ang Miami Heat sa Eastern Conference Finals.