Ibinahagi ni Boston Celtics forward Jayson Tatum ang isa sa naging sikreto nito kaya nakapasok sila sa NBA Finals at talunin sa Game 7 ang Miami Heat sa Eastern Conference Finals.
Ayon sa 23-anyos na si Tatum na bago ang pagsisimula ng Game 7 ay nagpadala ito ng text message sa cellphone number ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant.
Laman ng mensahe nito ang “I Got You Today” na may mga kasamang emoji.
Sa Game 7 ay nagtala si Tatum ng 26 points, 10 rebounds at anim na assist at nakasuot na purple arm band na may numero 24 ang jersey number ni Bryant sa Los Angeles Lakers.
Nakasama kasi ni Tatum si Bryant noong 2018 sa isang work out at doon ay naging idolo na niya.
Nabigyan si Tatum ng kauna-unahang Larry Bird NBA Conference Finals MVP na ipinangalan sa sikat na manlalaro ng Celtics.
Magugunitang pumanaw si Bryant noong 2020 ng bumagsak ang sinakyan nitong helicopter kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa.










