-- Advertisements --

Muling kinuha ng Boston Celtics ang dati nilang head coach na si Joe Mazzulla.

Kinumpirma ito ng pangulo ng basketball operations ng Celtics na si Brad Stevens matapos ang pagkatalo sa NBA eastern conference finals laban sa Miami Heat.

Sinabi pa ni Stevens na nakikita niyang si Mazulla ang tamang tao na dapat mag-coach sa koponan.

Si Mazulla ay dating assistant coach hanggan tanggalin ang head coach nila na si Ime Udoka noong Setyembre bago inalis bilang interim coach.

Ang 34-anyos na si Mazulla ay siyang nagtulak sa Celtics sa kanilang 57-52 campaign na itinuturing na best record sa NBA ngayong season.