-- Advertisements --

Binalewala ng Boston Celtics na sila ay dehado sa mga betting odds sa pagharap nila ngayong umaga sa Miami Heat para sa Game 7 ng Eastern Conference Finals.

Sa pinakahuling betting odds sa US na pinapaburan na manalo sa Game 7 ang Heat dahil sa bukod sa home court nila ito gagawin ay dahil sa na rin ipinamalas na laro noong Game 6.

Itinuturing kasi na nasa pang-unang puwesto ang Heat sa kung ang pag-uusapan ay three-point shooting.

Ilan lamang sa magiging problema din ngayon ng Heat ay ang pagkakaroon ng injury ng ilang manlalaro gaya ni Tyler Herro na kuwestiyonable na makapaglaro dahil sa groin injury habang mayroong iniinda ring hamstring injury sina Kyle Lowry at Max Strus at injury naman sa tuhod sina PJ Tucker at Gabe Vincent.

Isang hamon din sa Boston ang kuwesityonable kung makapaglaro si Marcus Smart dahil sa ankle injury habang knee injury si Robert Williams III.

Ang sinumang manalo sa dalawa ay makakaharap sa NBA finals ang Golden State Warriors.