-- Advertisements --
Pumanaw na ang Boston Celtics Hall of Famer player at coach na si K.C. Jones sa edad 88.
Hindi naman binanggit pa ng koponan ang sanhi ng kamatayan ng kilalang coach nila.
Naging manlalaro ng Celtics ito mula 1958 hanggang 1967 at naging assistant coach ng koponan mula 1977 hanggang 1988.
Na-promote ito ng head coach noong 1983 at doon naging kampeon ang Celtics noong 1984 at 1986.
Mayroon average ito na 7.4 points, 3.5 rebounds at 4.3 assists per game at naging best defenders ng NBA.
Hinirang siya bilang Naismith Hall of Fame noong 2006.