-- Advertisements --

Parang nakakuha ng kampeonato ang Boston Celtics fans matapos ang buzzer-beater na panalo nila laban sa Miami Heat 104-103 para madala sa Game 7 ang kanilang Eastern Conference Finals.

Labis ang pagkadismaya ng Heat dahil sa tinalo sila sa kanilang sariling court na inaakalang isang hakbang na lamang sila sa Finals.

Hindi kasi akalain ng Heat Fans na makakabangon pa ang Celtics mula sa 3-0 na deficit.

Naging bayani sa panalo ng Boston ang follow-up shot ni Derrick White ang bigong three-point shot ni Marcus Smart sa natitirang tatlong segundo ng last quarter.

Matapos ang panalo ay nagdiwang ang buong mamamayan ng Boston dahil sa kanilang homecourt gaganapin ang Game 7.

Ang sinumang manalo ay makakaharap sa finals ang Denver Nuggest na na-sweep 4-0 ang Los Angeles Lakers sa Western Conference finals.

Ang panalo ay isang makasaysayan dahil sila na ang pang-apat na koponan na naipuwersa ang laro sa Game 7 na una ay ang Portland Trail Blazers noong 2003, Denver Nuggets noong 1994 at New York Knicks noong 1951.