-- Advertisements --
Hindi umubra ang Boston Celtics sa Milwaukee Bucks, 121-119.
Ito na ang ikawalong sunod na panalo ng Bucks.
Lumamang pa ng 25 points ang Milwaukee at muntik nang mahabol ng Celtics (21-23).
Nanguna sa opensa sa Bucks (29-14) si Khris Middleton na may 27 points at 13 rebounds, habang ang NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo ay nagtala ng lowest point ngayong season na meron lamang 13.
Sa panig ng Boston, nasayang ang 24 points at 10 rebounds ni Jaylen Brown.