-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng actress na si Camille Prats matapos na maibalik ang kaniyang cellphone na nawala habang nanood ng concert ng Blackpink sa Philippine Arena.

Kuwento ng actress, na bago pa man magsimula ang concert ay nawala na ito sa kaniyang bag.

Agad na pina-trace nito sa kaniyang asawang si John Yambao at pinabura ang mga data nito.

Nakita nila sa tracking ng cellphone sa isang bahay.

Tinanong nila ang mga nanirahan sa bahay at sinabing walang nanood ng concert sa mga nakatira doon.

Hanggang makita ang tracker at ito ay huminto sa isan police station.

Hinatid umano ang cellphone ng isang delivery rider.

Dahil sa pangyayari ay pinayuhan nito ang mga fans na huwag mawalan ng pag-asa sa paghahanap ng mga nawawalang mga bagay.