-- Advertisements --

Kinansela Celine Dion ang lahat ng mga natitirang show niya para sa taong ito at hanggang 2024.

Sa kaniyang social media account isinagawa ng pop icon ang anunsiyo dahil siya ay nakikipaglaban sa kakaibang neurological disorder.

Humingi ito ng paumanhin sa mga fans na naghihintay sa kaniyang mga show at pagtitiyak niya na babalik ito sa mga concerts kapag gumaling na.

Noong nakaraang taon kasi ay ibinunyag ng 55-anyos na Canadian singer na siya ay dumaranas ng rare medical condiiton na nakakaapekto sa kaniyang pagkanta.

Magugunitang noong Disyembre 2022 ay nagpost ito ng video matapos na siya ay na-diagnosed ng Stiff-Person Syndrome kay hindi ito agad nakapagsimula ng kaniyang European Tour noong Pebrero.