Matapos ang halos pitong buwang pakikipag-laban sa COVID-19 ng Pilipinas, mayroon nang 100 lisensyadong laboratoryo ang bansa para sa testing.
Ayon sa Department of Health, ang Chong Hua Hospital sa Cebu City ang ika-100 laboratoryo na nabigyan ng lisensya para humawan ng COVID-19 test.
“Initially needing to send swab samples to the Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory in Melbourne, Australia for COVID-19 confirmation in February, the Philippines now boasts the highest testing capacity among countries in the Southeast Asia region, even topping richer neighboring countries such as Japan and Singapore.”
Sa huling tala ng ahensya, as of August 5, umabot na raw sa 1,667,831 tests ang nagawa ng mga laboratoryo sa bansa. Mula rito, may 1,557,105 unique individuals.
Umaabot naman na sa 27,800 ang daily testing capacity ng licensed labs sa nakalipas na pitong araw.
“The licensing of the country’s 100th laboratory is part of the government’s continued efforts to increase the country’s capability to detect and appropriately manage confirmed COVID-19 patients in order to stop the spread of the virus.”
Naniniwala ang ahensya na ang testing strategy ng bansa ay lumakas dahil sa pagsisikap ng pamahalaan na hawakan ng wasto ang sitwasyon ng COVID-19.
Sa ngayon may 87 iba pang laboratoryo ang nasa proseso ng licensing, kaya asahan daw na madadagdagan pa ang listahan.
Ikinatuwa naman ni Health Sec. Francisco Duque ang development na nagsabing malaking tulong ang patuloy na pagli-lisensya ng mga laboratoryo bilang responde sa pandemya.
“Taos-puso po ang aming pasasalamat sa mga nagbigay daan upang makamit ang tagumpay na ito – ang Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB), Research Institute for Tropical Medicine (RITM), World Health Organization (WHO) at ang pribadong sektor,” ani Duque.










