-- Advertisements --
Kinansela ng Cebu Pacific ang ilang flight dahil sa dulot ng masamang panahon.
Ang pinakamalaking airline ng Pilipinas ay nagsabi na mula 7:40 ng umaga ngayong Disyembre 25, Linggo, ang mga sumusunod na flight ay nakansela:
DG 6841/6842 Manila-Siargao-Manila
DG 6177/6178 Manila-Masbate-Manila
DG 6169 Manila-Masbate
DG 6181 Masbate-Manila
Una rito, ang shear line ay magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Southern Palawan, Eastern Visayas, Surigao del Norte na kinabibilangan ng Siargao, at Dingagat Islands.