Cebu Gov. Gwen Garcia, pinaalalahanan ang city mayors at mga opisyal ng League of Cities of the Philippines’ na unahin a
Unread post by STARFMCEBUNEWS » Wed Aug 17, 2022 4:20 pm
Cebu Gov. Gwen Garcia, pinaalalahanan ang city mayors at mga opisyal ng League of Cities of the Philippines’ na unahin ang kapakanan ng nasasakupan
CEBU CITY – Hinimok ngayon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga city mayors na laging itaguyod at suportahan ang local autonomy.
Ito ang naging bahagi ng talumpati ni Garcia kagabi, Agosto 16, sa isinagawang welcome dinner para sa mga miyembrong alkalde at mga bagong halal na opisyal ng League of Cities of the Philippines (LCP).
Sinabi pa ng gobernadora na hindi dapat ikatakot ng mga ito na magsalita para sa kanilang mga nasasakupan kahit na nangangahulugan ito at nagdudulot ng galit sa makapangyarihang opisyal sa kabisera ng bansa batay na rin sa kanyang naging karanasan na kung saan kinokontra ng national government ang ilan sa kanyang mga polisiya.
Pinaalalahanan naman ni Garcia ang mga ito na dapat palaging prayoridad ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan kapag nahaharap sa ganitong mga sitwasyon.
Dagdag pa nito na hindi naging madali ang pagsisikap na balansehin ang buhay at kabuhayan ng mga tao.
““But who would be the best to know what each of our constituents needed than we ourselves? We, the elected ones, chosen by our people, trusted by our people to above all uphold their benefit,”ani Garcia.
Naniniwala naman si Garcia na hindi naaangkop sa lahat ng lgus ang pagpapatupad ng “one uniform policy” sa pagharap sa isang krisis dahil magkaiba pa ang kapaligiran ng mga ito.