CEBU CITY – Umapela si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa mga indibidwal na nasa 15-anyos hanggang sa 65-anyos na pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na iwasan lang munang lumabas sa bahay kung walang mahalagang pakay sa labas.
Binigyang diin ng alkalde na kahit may kautusan nang inilabas ang National Government Anti-Coronavirus Task Force ngunit hindi ito dapat abusuhin sapagkat nasa paligid pa rin ang coronavirus at isinailalim pa sa quarantine status ang lungsod ng Cebu.
Iginiit ng opisyal na hindi hangad ng local government na hindi mag-comply sa order ng IATF ngunit hiling nito sa menor-de-edad at senior citizens na iwasan munang lumabas ng bahay kung hindi importante ang pupuntahan.
Muling binigyan diin nito ang kahalagahan ng pagsunod at pagtalima sa mga health and safety protocols laban sa coronavirus.