Screenshot 2019 05 23 09 15 03
IMAGE | Camp Sergio Osmeña, PNP Region 7

CEBU CITY РBumwelta ang pinuno ng PNP Region 7 laban kay outgoing Cebu City Mayor Tomas Osme̱a matapos akusahan ang pulisya na sangkot umano sa pagpaslang sa isang police officer.

Ibinato pabalik ni regional director police B/Gen. Debold Sinas ang alegasyon kay Osmeña at sinabing protektor daw ito ng iligal na droga dahil iniuugnay din ang napatay na si CIDG-7 senior investigator Capt. Delfin Bontuyan sa illegal drugs.

Nabatid din daw kasi sa mga nakalap nilang datos na magkaibigan ang dalawang opisyal at isa pang inaakusahan na si SPO1 Adonis Dumpit.

Sa ngayon patuloy pa rin umanong kinukumpirma ng tanggapan kung kabilang sa drug watchlist si Osmeña.

Para naman sa alklade, ayaw na niyang patulan pa ang naturang alegasyon.