CEBU – Nagbigay na ng direktiba si Cebu City Mayor Mike Rama sa City Health Office para labanan ang kaso ng dengue na tumataas na sa Cebu City.
Nilinaw ni Rama, na napapanahon na para ipatupad muli ang 3 o’clock habit para mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue sa mga kabahayan.
Dagdag pa ng mayor, na kalilangan ng itapon ng mga residente ang mga tubig na nakapondo dahil posibleng gawin itong breeding ground ng lamok.
Sigurado si Rama na malaking papel ang gagampanan ng malinis na kapaligiran sa pag-iwas sa dengue outbreak kaya hinimok niya ang mga Cebuano na permanenteng linisin at tiyakin ang pagsira sa mga posibleng tirahan ng mga napaulat na insekto.
Nabatid na umabot na sa 422 ang kaso ng dengue sa Cebu City at 13 pasyente ang namatay.