Cebu City Mayor Mike Rama, may sagot sa kasong nepotismo na isinampa laban sa kanya;Pag-aasawa, dapat ba umano batayan para tanggalin sa trabaho ang isang indibidwal?
Nilinaw ni Cebu City Mayor Michael Rama na nagtatrabaho na sa Cebu City Hall ang dalawang kapatid ng kanyang asawang si Malou bago pa man sila ikasal.
Ginawa ni Rama ang pahayag bilang tugon sa kasong nepotismo na isinampa laban sa kanya dahil palagi pa umano nitong tinanggap sa City Hall ang mga kapatid ng kanyang asawa.
Kinuwestiyon pa ng alkalde kung kailangan bang itigil ang pag-ibig at kung batayan ba ang pag-aasawa para lang walang matanggal sa trabaho.
Kung maaalala, noong Enero 24 ng kasalukuyang taon nang nagsampa ng reklamong nepotismo sa Office of the Ombudsman-Visayas ang isang Jonel Saceda laban Rama dahil pa umano sa pag-renew ng mga kontrata sa dalawang kapatid ng kanyang asawa bilang casual worker ng City Hall.