CEBU CITY – Masaya si Cebu City Mayor Edgar Labella sa naging resulta sa isinagawang proyekto na tinatawag na “Tandem RDT and Pooled PCR Testing” sa mga nagtitinda sa Carbon Public Market na sinimulan noong Septyembre 30 sa mahigit 2,000 na mga vendors.
Sinabi pa ni Labella na hindi pa rin dapat magpakampante at magkumpiyansa dahil meron pa ring virus.
Layunin ng nasabing proyekto na matunton kung saan ang virus at masigurado na ligtas ang Carbon Market na siyang pinakalaking pampublikong merkado nitong lungsod.
Sa panig naman ni Dr. Mary Jean Loreche, Chief Pathologist ng Department of Health (DoH) Region 7, pinuri nito ang team ng Cebu City Emergency Operations Center (EOC) sa magandang koordinasyon at matiwasay na pagsagawa sa pooled testing.
Samantala, patuloy pa rin ang isinagawang testing hanggang sa matapos ang higit sa 2,000 na mga vendors sa Carbon Market.