CEBU CITY – Isinailalim na sa ‘state of preparedness’ ang lungsod ng Cebu kaugnay sa banta ng 2019 novel coronavirus.
Ito ang inihaing mosyon ni Cebu City Councilor Dave Tumulak kung saan agad na inaprobahan ng Cebu City Council.
Una nito, inihayag ni Cebu City Vice Mayor Michael Rama na dapat maging mapagmatyag ang mga tao kanyang paligid at hindi hahayaang makapasok sa syudad ang mga tao na nagdadala ng N-CoV.
Dagdag pa ng bise mayor na dapat ring pag-ibayuhin ng gobyerno ang mga hakbang nito laban sa nakakamatay na virus.
Kaugnay nito ay makikipagpulong si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa mga namumuno sa Cebu City Health, Department of Health 7, Bureau of Quarantine at iba pang ahensya sa gobyerno upang mapag-usapan ang karagdagang hakbang laban sa novel coronavirus.
Kung maalala, una ng nilinaw ni Mayor Labella na walang pag-ban ng mga Chinese nationals sa Cebu City maliban na lang kung may rekomendasyon nito ang Department of Health.
Nabatid na isa sa top tourist ang mga Chinese nationals dito sa lungsod ng Cebu.