-- Advertisements --
CEBU CITY 3

CEBU CITY – Kinumpirma ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) na isailalim ang lungsod ng Cebu sa general community quarantine (GCQ) ngayong Hunyo 1.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa OPAV, ito mismo ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos itong nagsagawa ng meeting kagabi at napag-alamang si Sec. Carlito Galvez mismo ang nag-lobby na ipatupad ang GCQ sa lungsod.

Ayon sa OPAV na isa sa mga nakitang malaking factor ay ang naganap na strategic rapid testing ng “Project Balik Buhay” at 87 percent mula sa target samples ang nakuha mula sa Cebu City.

Maalalang umapela si Mayor Edgardo Labella sa IATF na i-downgrade ang lungsod sa GCQ dahil tumaas naman ang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hinihintay ngayon umano ng lungsod ang mismong formal announcement mula sa national government.

Nasa 2,144 na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa lungsod ng Cebu, batay sa ulat mula sa City Health Department.