-- Advertisements --

Sinuspinde ng Lithuania ang air traffic sa Vilnius Aiport dahil sa mga namataang hindi pa na tukoy na mga lobo sa kanilang air space.

Sa naging pahayag ng Vilnius Aiport, inanusyo ang pamsamantalang pagpapasara ng kanilang airspace na tumagal hanggang 2:45am ng madaling araw kung saan pansamantalang inilipat na muna sa mga katabing paliparan ang mga papasok na flights dito.

Nanatiling alerto naman ang Europa sa seguridad ng kanilang rehiyon partikular na sa seguridad pamhimpapawid dahil sa mga insidente nitong mga nakaraang linggo kung saan magkakasunod ang mga naging drone sightings partikular na sa Airport ng Copenhagen sa Munich.

Kaugnay rito, nauna nang nagpatupad ang Lithuania 90km (56 mile)-long no fly-zone nitong August, na siyang aksyon laban sa mga pumapasok sa himpapawid ng bansa ng walang pahintulot.

Samantala, ang Lithuania ay kilalang tapat na kaalyado ng Ukraine kung saan hanay nito ang 679-km o 422 miles boarder ng Belarus, na siyang malapit naman na kaalyado naman ng Russia.