-- Advertisements --

Natagpuan na ang bangkay ng tatlong sundalo na unang napaulat na nawawala sa Lithuania.

Ayon kay Maj. Gen. Christopher Norrie, commanding general of the 3rd Infantry Division, na maging ang kanilang sasakyan ay nakita na rin.

Dagdag pa nito na itinuturing nila mga pamilya na at hindi lamang basta sundalo ang mga nasawi.

Patuloy pa rin nilang hinahanap ang ikaapat na sundalo na kasamahan ng tatlo.

Ang apat na sundalo ay nakatalaga sa 1st Armored Brigade, 3rd Infantry Division sa Fort Steward, Georgia.

Noong Marso 25 ng maiulat na nawawala ang mga sundalo habang nagsasagawa ang mga ito ng maintenance training mission.

Tinutugis na rin ng mga kasundaluhan ng Lithuania ang mga rebeldeng grupo na nasa likod ng pag-atake.