Tinanghal na Philippine Military Academy “Salaknib”(Sanggalang ay Lakas at Buhay Na Alay Para sa Kalayaan ng Ibang Bayan) Class Goat si Cdt. Rinze Marrion de Monteverde Eviota.

Ang karaniwang class goat ang PMA graduate na may pinakamamabang gradong nakuha mula sa mga mistah.

Pinakakilala sa naging Class Goat si dating AFP Chief of Staff at dating Sen. Rodolfo Biazon.

Si Eviota ay taga-Lapu-lapu City sa Cebu na dapat sana ay miyembro ng PMA Class 2015.

Samantala, narito kasama sa top 10 ng SALAKNIB Class of 2017:
Cadet First Class Rovi Mairel Martinez, Cabanatuan City; Cadet First Class Philip Viscaya, Albay; Cadet First Class Eda Glis Marapao, Baguio City; Cadet First Class Cathleen Jovi Baybayan, Pampanga; Cadet First Class Carlo Emmanuel Canlas, Pampanga; Cadet First Class Shiela Joy Jallorina, Nueva Vizcaya; Cadet First Class Sheila Marie De Guzman, Pangasinan; Cadet First Class Joyzy Funchica, Butuan City; Cadet First Class Resie Jezreel Hucalla, Compostela Valley at Cadet First Class Catherine Mae Gonzales, Zamboanga City.

Tatanggap naman ng Athletic Saber si Cadet First Class Franklin Dellomos ng Paranaque City;
Chief of Staff Saber Awardee, Cadet First Class Johnny Marohombsar III ng Iligan City; at Journalism Award ay tatanggapin ni Cadet First Class Michelle Calusor ng Naga.