CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa nakaranas ng pertussis outbreak sa kabila ng muling paglutang nito sa ilang bahagi ng Cagayan de Oro City ng Northern Mindanao region.
Paglilinaw ito ni City Health Office head Dra. Rachel Dilla kahit kinompirma ng Department of Health Region 10 na nakapagtala na sila ng anim na pertussis related cases kung saan dalawa ng mga pasyente ang ay kompirmadong nahawaan ng sakit nitong taon.
Sinabi ng CHO official na bagamat agad nagtala ng tatlong pertussis cases subalit hindi ito pasok para matukoy na nagka-outbreak na ang syudad.
Banggit ni Dilla na mangyari lang ang outbreak ng isang sakuna kapag makapagtala ng mabilisang pagkakahawa ang maraming tao sa loob ng isang lugar.
Magugunitang maliban sa tatlong kaso sa syudad,naitala rin ang tig-isa mula sa bayan ng Opol,Misamis Oriental;Lantapan sa Bukidnon at Ozamiz City ng Misamis Occidental.
Mismo na rin ang DoH 10 ang nagbigay-linaw na hindi katulad ng ibang rehiyon sa bansa ay nanatiling mababa ang pertussis cases ng Northern Mindanao kaya walang outbreak declaration.