Binatikos ni Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) president at Bishop Pablo Virgilio David ang mga nagaganap na red-tagging at disinformation.
Ito ang naging laman ng kaniyang homily nitong Good Friday sa kaniyang misa sa diocese ng Kalookan.
Gaya aniya noon ay inakusahan din si Hesukristo na mapanghimagsik aniya na kaniya umang patutumbahin ang Roman Empire.
Tinawag pa ni David ang red-tagging bilang pinakalumang estratehiya ng mga corrupt na politiko.
Inihalimbawa din nito si Maria Natividad Castro ang community doctor na inaresto dahil umano sa kasong kidnapping at serious illegal detention at kalaunan ay siya ay pinalaya.
Ayon kasi sa PNP na miyembro umano si Castro ng Communist Party of the Philippines central committe at namumuno ng national health bureau na nakabase sa Barangay Libertad sa Butuan City.
Ang CBCP president ay matagal ng kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na ang kampanya nito laban sa iligal na droga.