-- Advertisements --

Nagluluksa ang Catholic Bishops of the Philippines o CBCP dahil sa pagpanaw ng dalawa nitong obispo na nangyari lamang sa isang araw. 

Isa na rito si CBCP Bishop Emeritus Nereo Odchimar na dating nagsilbi bilang pangulo ng CBCP. Komplikasyon sa kidney at diabetes ang sanhi ng pagkamatay nito sa San Pedro Hospital sa Davao City. 

Nagsilbi rin siyang obispo sa Diocese of Tandag sa Surigao Del Sur. 

Makalipas ang dalawang oras ay naiulat naman ang pagpanaw ni Bishop Onie Pacana sa edad na 91. Siya ay nagsilbi sa Diocese of Malaybalay sa loob ng 16 years.