Pinakikilos ngayon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon matapos ang magkasunod na pagsabog na ikinamatay ng 15 katao sa Jolo, Sulu.
Sinabi ng CBCP na kailangan daw ay mag-effort ang mga lider ng BARMM para hindi na maulit ang malagim na insidente na sinasabing kagagawan ng dalawang babaeng suicide bomber.
Una rito, kinondena ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang naturang pag-atake ng mga terorista sa lugar.
Una nang nanawagan ang Military Bishop na si Oscar Jaime Florencio na ipagdasal ang pamiya ng mga biktima ng pagsabog sa Jolo.
Kahapon nang naganap ang pagsabog sa mataong lugar sa Jolo, Sulu na ikinasugat din ng halos 80 katao.