-- Advertisements --

Aminado ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maaaring maapektuhan ng krisis sa langis ang pag-obserba ng Visita Iglesia o pagbisita sa mga simbahan sa Holy Week sa sunod na linggo.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap na patuloy na pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay CBCP Espiscopal Commission of Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, nauunawaan ng Simbahan kung nais ng mga tao na magtipid kasabay ng pagpapahayag ng pag-aalala sa mga Pilipinong apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.

“It’s going to be very selfish on the part of the Church if we are worried that only a few will go to the church. We are worried that the Filipinos are really affected by the rising prices of oil. Of course, it will snowball. So this is what we should be worried about. If people want to save, it’s understandable,” saad ni Fr. Secillano.

Sinabi rin ni Fr. Secillano na sakaling imposibleng makapunta sa simbahan, lalo na sa mga matatanda o may karamdaman, available ang misa sa online platforms.

Mayroon aniyang tinatawag na “virtual visit to the church,” kailangan lamang i-click ang sites gayundin sakaling hindi makapunta sa simbahan dahil sa ilang kadahilanan, maaaring magdasal sa tahanan.

Samantala, ayon kay Fr. Secillano, nakatakdang maglabas ang Simbahang Katolika ng Oratio Imperata sa gitna ng digmaan sa Gitnang Silangan.