Reading Time: 1 minute
alan peter cayetano
Alan Cayetano

Hinimok ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabotchan si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na huwag masyadong excited sa pagsusulong ng Charter change (Cha-cha).

Sinabi ni Cabotchan na dapat pagtuunan ng pansin ni Cayetano kapag maupo na ito bilang lider ng Kamara ang iba pang mga legislative priorities ng kapulungan.

Nauna nang pinalutang ni Cayetano ang ideya na pagiiksin ang termino ng mga senador habang paliwigin naman ang sa mga lokal na opisyal.

Pero ayon kay Cabotcha, kung isusulong ni Cayetano ang Cha-cha ay posibleng hindi ito magiging katanggap-tanggap sa publiko dahil magmumukhang interesado ang Kongreso sa aniya’y self-serving measure na kagaya nito.

Nababahala rin ang kongresista na magresulta lamang ang pagpipilit sa naturang hakbang sa pagkakawatak-watak ng mga mambabatas.