-- Advertisements --

Pinayuhan ni Senate President Alan Peter Cayetano su Senate President Pro-Tempore at acting Senate President Sherwin ”Win” Gatchalian kaugnay ng kontrobersyal na pagbabago sa liderato ng Senado matapos ang mga kaganapan sa plenary session noong Hunyo 3.

Nagsimula ang isyu nang dumalo si Senador Francis “Chiz” Escudero sa sesyon at tumulong makumpleto ang quorum na 12 senador, na nagbigay-daan upang maituloy ang sesyon ng Senado.

Dahil dito, nabuksan ang usapin sa liderato at pansamantalang nabakante ang ilang posisyon sa Senado.

Kabilang dito ang posisyon ng Senate President Pro Tempore, na naihalal kay Gatchalian at kalaunan ay idineklarang acting Senate President. Kinilala rin ng Malacañang si Gatchalian bilang acting Senate President noong Miyerkules.

Gayunpaman, sinabi ni Cayetano na dapat pag-isipang mabuti ni Gatchalian ang kanyang tinanggap na tungkulin.

“Kung ako kay Sen. Win, I will not act as acting president because he knows it’s illegal. Masisira ’yong buong career niya in the future,” ani Cayetano.

Dagdag pa niya, dapat maghintay na lamang si Gatchalian sa tamang panahon para sa mas mataas na posisyon sa Senado.

“Wait for your time… kapag illegal ang pinagagawa sa’yo, huwag mong gawin. Mapapahamak ka lang,” dagdag pa ng senador.

Sa kabila nito, nananatiling kinikilala ng Malacañang si Gatchalian sa naturang posisyon habang patuloy ang usapin sa aktwal na liderato ng Mataas na Kapulungan.