Mistulang hindi interesado si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na hanapin ang kanyang “Mr. Right” kahit pa single ngayong binansagan na “extra special” day.

Ayon sa 26-year-old half Australian beauty na tubong Albay, mas priority nito ang paglaanan ng oras ang kanyang ama na tumatanda na kasabay ng kanyang pagiging abala.

-- Advertisement --

“OK lang, Valentine’s Day lang naman ‘yan… This year naman, gusto ko rin to spend a lot of time sa tatay ko kasi matanda na s’ya and it has become apparent to me that my life is becoming increasingly busy. But I also have to allocate time for him. So, family’s going to be really important for me this year,” ani Gray ngayong Valentine’s Day.

Hindi rin aniya siya “feeling sad” dahil mahal siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nabatid na may isang taon na mula nang aminin ni Cat at Fil-German model na si Clint Bondad na nauwi sa hiwalayan ang anim na taong relasyon nila bilang magkasintahan.

Matapos nito ay na-link si Catriona sa isang basketball player ng De La Salle University, habang naging usap-usapan ang umano’y “kissing photo” ni Bondad sa isang “mysterious girl” habang nasa bar.