Ipinagmalaki ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pagkakapili sa kanya bilang bagong boses sa isang navigation app na tumutulong sa mga Pinoy drivers na makarating sa kanilang patutunguhan.

Ito’y matapos nagkaroon ng partnership ang Waze sa local bank na pumili naman kay Cat bilang pinakabago nilang brand ambassador.

Batay sa impormasyon, hindi lamang ang mga direksyon ang ituturo ni Gray kundi maging ilang paalala at safety tips alinsunod sa kanyang mga pumatok na slogans gaya ng “Time to park the car and do the lava walk” at “In my experience, U-turns are best made slowly.”

Sinasabing ang 25-year-old Australian beauty na tubong Bicol ang pinakaunang Pinay celebrity na mapapabilang sa Waze.

“Being the newest voice on Waze enables me to share positivity to Filipinos who are on the road—going to school, work or wherever they need to be. I want to keep them inspired and help them find their way so that we can all be happy and remain optimistic, despite many challenges such as the traffic,” saad umano ni Gray ayon sa banking firm.

Kailangan lamang ng mga Waze users na i-click ang settings, piliin ang “Voice Directions” at hanapin ang “Catriona Gray” sa mga options.