-- Advertisements --

VIGAN CITY – Para kay Iloilo representative at dating Health Sec. Janette Garin, dapat simulan na ng DOH (Department of Health) ang “catch-up vaccination” matapos makumpirma ang muling kaso ng polio sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Garin na malaking tulong kung sisimulan ng DOH ang pagbabakuna kontra polio sa mga lugar kung saan unang naitala ang positibong kaso o presensya nito.

Pinayuhan naman ng opisyal ang publiko, lalo na ang mga magulang, hinggil sa paglilinis ng katawan at kamay tuwing manggagaling sa palikuran.

Tiwala si Garin sa pondong hawak ngayon ng DOH para mabigyan ng pansin ang supply ng anti-polio vaccines.