-- Advertisements --

Ipinapahukay na ni National Bilibid Prison Director General Gregorio Catapang ang lahat ng mga septic tank na nakapalibot sa lugar.

Ito ay para malaman kung mayroon pang mga nakabaon na mga nawawalang preso.

Nais nitong malaman kung ang nasabing mga septic tank doon ay ginamit na tapunan ng mga nawawalang preso.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nakadiskubre ang mga otoridad ng mga buto ng tao na mula umano sa nawawalang preso.