-- Advertisements --

Pag-aaralan pa raw ni House Majority Leader at Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro ang planong pagtakbo sa minority leadership sa 18th Congress.

Ito ay matapos sabihin ni Albay Rep. Joey Salceda na balak umano ni Castro na tumakbo sa naturang posisyon matapos na iendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang term sharing nina Taguig City Rep. Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa speakership race.

Sina Castro at Salceda ay kapwa tagasuporta naman ng isa pang contender sa speakership race na si Leyte Rep. Martin Romualdez, na ayon kay Pangulong Duterte ay uupong bagong Majority Leader.

Ayon kay Castro, may ilang kongresista ang nagmungkahi na tumakbo siya sa minority leadershio para mapanatili ang isang “credible balance” ng mga opinyon sa iba’t ibang issues na kakaharapin ng Kamara.

Seryoso raw niyang ikinokonsidera na maging oposisyon sapagkat kailangan aniya na ma-destinguish ang pagkakaroon ng critical collaboration sa isang naninira lamang.

“I will wait for guidance if I am capable of responding to this Macedonian call as part of my service to my country,” ani Castro.