LAOAG CITY – Sasampahan ng qualified theft ang isang cashier dahil sa umanoy mga nawawalang resibo mula Mayo 1, 2019 hanggang Enero 24, 2020.

Nakilala ang suspek na si Jenny Marie Ravelo, 29-anyos, dalaga at residente ng Brgy. 29 sa lungsod ng Laoag ay cashier sa isang negosyo sa Brgy. 17 sa nasabi ring lugar.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Eric Bumagat ng PNP Laoag, ini-remit ng suspek ang mga resido at pera kay Reynalyn Nicolas, 33-anyos, head cashier at residente ng Brgy. 45 Tangid, Laoag City.

Nalaman ni Nicolas na walang ang mga resibo dahilan upang komprontahin ito.

Inamin naman kaagad ni Ravelo ang kanyang ginawa.

Umaabot sa mahigit P445,000 ang umano’y nawalang pera base sa record.

Sa ngayon ay hinahanap na ng mga otoridad si Ravelo.