Tumaas ng 5.7 percent ang cash remittances mula sa overseas Filipino mula Enero hanggang Nobyembre 2022.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na noong Nobyembre 2022 ay mayroong $2.64 bilyon ang cash remittance na mas mataas sa $2.50 bilyon noong Nobyembre 2021.
Isa sa dahilan nito ay ang paglago ng mga padala at natatangap mula sa land at sea-based na manggagawa.
Mula Enero hanggang Nobyembre 2022 ay mayroong $29.38 bilyon ang cash remittance na mas mataas ng $28.43-B sa parehas na panahon noong 2021.
Ang papalapit noon na panahon ng Kapaskuhan sa bansa kaya lumakas din ang palitan ng piso kontra dolyar.
Aminado rin ang BSP na bumagal ang cash remittance sa bansa sa pagpasok ng 2022 at nakabawi lamang ito sa last quarter ng nakaraang taon.










