-- Advertisements --

Tumaas sa 112 percent ang case disposal performance ng Sandigabayan para sa taong 2022.

Mataas ito kumpara sa 366 cases nong 2021.

Mula sa datos ng tanggapan, mas mataas pa rin ang 2022 disposal cases sa pinagsamang kaso noong 2020 at 2021 na nasa 706 na kaso habang 775 nitong nakalipas na 2022.

Mula sa mga kaso na inihain ng Office of the Ombudsman naibaba pa rin ng anti graft court ang pending caseload ng hanggang 2,339 na maituturing na “nine year low”.

Samantala ang special court’s seven division, ang Seventh Division ang nakapagtala ng pinakamataas na case disposal ng 234 cases at sinundan ng Third Division na 161 cases.

Ang naturang mga datos ay mula sa Annual Summary na inilabas ng Sandiganbayan Judicial Records Division.

Ang Sandiganbayan ang siyang humahawak ng kasong criminal na inisasampa laban sa mga opisyal ng gobyerno.