-- Advertisements --

Inanunsiyo ni NBA superstar Carmelo Anthony ang kaniyang pagreretirot sa basketball.

Sa kaniyang social media account ay emosyonal itong namaalam sa mga nakasama niya ng 19 season sa NBA.

Ayon sa 38-anyos na si Anthony na sabik na ito kung anuman ang maaring tahakin niya matapos ang pagreretiro sa paglalaro.

Si Anthony ay naging third overall pick siya ng 2003 NBA Rookie Draft ng Denver Nuggets kung saan naglaro ito sa nasabing koponan ng hanggang 2011.

Lumipat ito ng New York Knicks mula 2011 hanggang 2017 at naglaro din sa Los Angeles Lakers ng 2021-2022 season.

Ang 6-foot-7 small forward ay naging bahagi ng US men’s national basketball team na kasama siya ng magwagi sila ng gold medal noong 2008, 2012 at 2016 Olympics.