-- Advertisements --

CEBU – Naglabas ng opisyal na pahayag ang The Carmelites Sisters sa mga kontrobersyal na eksena sa pelikulang “Maid in Malacañang” na nagpapakita ng isang babaeng nakasuot ng dilaw na damit, na kamukha ni dating pangulong Corazon Aquino, na nakikipaglaro ng mahjong sa mga madre.

CARMEILITE

Sa inilabas na pahayag ng kampo ng mga madre sa pamamgitan ni Mons. Joseph Tan, binigyang linaw nito na ang mga pangyayari sa pelikula ay pawang “BASED ON THE TRAILER ONLY”.

Paliwanag ni Mons. Tan na nagdarasal, nag-aayuno, at gumagawa ng iba pang uri ng sakripisyo para sa kapayapaan ng bansa ang totoong ginagawa ng mga madre at para sa halalan ng mga taong mananaig, na may ilang mga panalangin, ang takot na malaman ng militar ang lokasyon ni Cory Aquino na kumakatok sa pintoan ng monasteryo.

Samantalang sa kabilang banda, binatikos ng mga madre ng Carmelite ang kontrobersiyal na trailer ng pelikula dahil sa malicious image samantalang delikado ang bansa noon.

Sa nasabing kontrobersiya, kinondena ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang ‘malisyosong pagtatangka’ na siraan ang mga madre ng Carmelite.